#GoGilas

Yung pagod na pagod ka na,
pero ang layo layo mo pa…
Tapos napapaisip ka,
bakit ka nga ulit pumusta?

Nagkamali ka ata ng tantsa,
hindi mo naman pala kaya…
Kahit kaibigan mo di naniniwala,
sadyang imposible yata talaga.

Sakit ng katawan, maga ang mata,
hindi nila alam, umiiyak ka na…
Pakiramdam mo susuko ka na,
Gaano katagal pa ba?

Pero wala e, nandito ka na,
e di lubos lubusin mo na…
Malay mo, kaya mo naman pala,
kesa umayaw ka, walang mapapala.

Isang hingang malalim, o lima,
minsan lang ito, itodo mo na…
Wag kang mawawalan ng pag-asa,
konti na lang yan, kakayanin pa, di ba?