Panalo | Talo

minsan panalo, minsan naman talo
ganun talaga ang ikot ng mundo
di laging makukuha ating gusto
tanggapin na lang na sadyang ganito
di sa wala na tayong magagawa
wag pa rin susuko’t magsasawa
tuloy parin tayong lahat lalaban
walang iwanan sa ating koponan
sama-sama lahat sa lalakbayin
makakamit din ang ating mithiin

Suntok Sa Buwan

Naranasan mo na bang sumuntok sa buwan?
Yung sumugal kahit wala ka sa katwiran?

Hindi umuubra kahit ano mong pilit;
Tadhana’y ganyan talaga, sadyang malupit.

Gaano man kadami iyak mo at luha,
Anumang gawin mo sadyang di makukuha.

Pero ganun pa man ay di ka papatalo,
Aasa ka pa rin, aasa sa milagro.